top of page
bg tab.png

'NUTRI-STEPS 2026', Gaganapin na sa Hulyo 17; Registration, Hanggang Hulyo 15 Na Lang!


Nagpalabas ng opisyal na abiso at mga bagong pagbabago sa iskedyul ang Municipal Nutrition Office ng Angat ukol sa inaabangang "NUTRI-STEPS 2026", na nakatakdang ganapin ngayong darating na Hulyo 17, 2026 (Biyernes) sa Riverside Pathway (Riprap).


Ang naturang aktibidad ay naglalayong isulong ang malusog na pamumuhay at ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng isang masayang Eco Walk at iba't ibang paligsahan para sa buong pamilya at komunidad.


Inaabisuhan ang lahat ng mga narehistrong kalahok at nagnanais pang sumali sa mga sumusunod na oras at alituntunin:

  • 5:00 AM — Call Time at Huling Pagpaparehistro (Riverside Pathway / Riprap)

  • 5:30 AM — Simula ng Eco Walk

  • 6:30 AM — Post-Walk Program at Pamimigay ng AM Snacks

  • Registration Fee: ₱150.00


Tampok din sa aktibidad ang Eco Costume Challenge, kung saan inaanyayahan ang mga kalahok na magsuot ng malikhaing kasuotan na gawa sa mga recycled o eco-friendly na materyales batay sa opisyal na tema: "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan."


Ipinapaalala ng mga tagapag-organisa na ang huling araw ng pagpaparehistro para sa kaganapan ay sa Hulyo 15, 2026. Maaaring magparehistro sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) o sa Local Nutrition Action Officer (LLN) sa kani-kanilang barangay.


Upang tiyakin na magiging malinis at makakakalikasan ang buong ruta, ipinatutupad ang mga sumusunod na panuntunan:

  1. Bring Your Own Bottle (BYOB): Magdala ng sariling lalagyan ng tubig. Maglalagay ang pamunuan ng mga water refilling stations sa bawat kilometro ng ruta.

  2. Panatilihing Malinis ang Paligid: Tiyaking walang maiiwan o mahuhulog na bahagi ng costume at iba pang personal na gamit sa buong kahabaan ng lakaran.


Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang lahat ng pamilya, magkakaibigan, at mga residente na makiisa at mag-rehistro na bago matapos ang nakatakdang deadline.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page