National ID Registration, Ginanap sa Angat Gymnasium
- Angat, Bulacan

- 6 hours ago
- 1 min read

Nagdaos ng outreach registration para sa Philippine Identification System (PhilSys) o National ID ang Angat Municipal Civil Registry Office (MCRO) ngayong araw, Disyembre 4, 2025. Ginanap ang rehistrasyon sa Municipal Gymnasium at tumagal hanggang 4:00 PM.
Naglabas din ng mahalagang paalala ang MCRO para sa mga Angateñong hindi pa nakapagparehistro. Ayon sa anunsiyo sa December 11, 2025 ang susunod na registration at sa mga hindi pa rin makakapagparehistro sa nasabing araw ay maaari namang dumulog sa sa tanggapan ng PSA Bulacan Provincial Office sa Plaridel, Bulacan.








Comments