top of page
bg tab.png

National ID Registration, Gaganapin sa Old Municipal Building ng Angat ngayong Enero 22


Inanunsyo ng Angat Municipal Civil Registry Office ang nakatakdang National ID Registration na gaganapin sa Old Municipal Building ngayong darating na Huwebes, ika-22 ng Enero, 2026.


Magsisimula ang pagpaparehistro mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon. Layunin ng aktibidad na ito na mapabilis ang pagkuha ng National ID para sa lahat ng mga residente, kabilang ang mga bata at mga nasa legal na edad na hindi pa rehistrado sa Philippine Identification System (PhilSys).


Bilang bahagi ng pagpapadali ng proseso, inilabas ng Civil Registry Office ang listahan ng mga dokumentong kailangang dalhin ng mga aplikante. Para sa mga bata (0-17 taong gulang), kinakailangan ang orihinal na Birth Certificate at ang National ID ng magulang o tagapangalaga para sa "linking" ng PSN. Para sa mga nasa legal na edad, kailangang magpakita ng mga valid IDs gaya ng Barangay ID, Driver's License, Passport, o PhilHealth.


Hinihikayat ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang lahat ng mga mamamayan na samantalahin ang pagkakataong ito upang magkaroon ng opisyal na pagkakakilanlan na magagamit sa iba't ibang transaksyon sa gobyerno at pribadong sektor.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page