Sa ika-7 ng Nobyembre, ating ipinagdiriwang ang National Food Fortification Day, na itinakda at kinilala ng pamahalaan sa ilalim ng Executive Order 382.
Sa bisa ng EO 382, ang food fortification ay isang inisyatibang pampamahalaan na layuning labanan ang kakulangan sa micronutrients, partikular na sa mga buntis, mga nagpapasuso at mga bata sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang nutrisyon upang magkaroon ng dagdag na mga bitamina at mineral tulad ng iron, vitamin A, folic acid at iodine sa mga pagkain. Ito ay isang paraan upang mapabuti ang kalagayan ng kalusugan sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga kinakailangang sustansiya sa pagkain.
Mahalaga ang ating suporta at partisipasyon sa mga ganitong programa at ito ay isang paalala na tayo ay may bahagi sa pagpapahalaga sa kalusugan at nutrisyon sa ating bansa.
Comments