NATIONAL BREASTFEEDING MONTH
NUTRITALK
BREASTFEEDING SUPPORT GROUP
(August 13-14, 2024): Ang Nutrition Action Office kasama ang mga Lingkod Lingap sa Nayon at mga Mother Leaders ay nagsagawa nang isang Nutritalk at Breastfeeding Support Group sa apat na cluster. Tinalakay dito ang kahalagahan nang pagpapasuso ng mga ina sa kanilang mga anak, tinalakay din ang mga batas gaya nang Executive Order No. 51 (EO 51) Ang Milk Code o Executive Order 51 (EO 51), na kilala rin bilang National Code of Marketing of Breastmilk Substitutes, Breastmilk Supplements, at Iba Pang Mga Kaugnay na Produkto, ay naglalayong isulong at protektahan ang pagpapasuso. at RA 10028 o Expanded Breastfeeding Act of 2009 na magtatag ang mga opisina ng patakaran ng ligtas na lugar para makapagpasuso ang mga kababaihan at magtayo ng human milk banks sa mga LGU at ospital.
Comments