top of page
bg tab.png

MNO, Nagsagawa ng BNS at LLN Monthly Meeting kasama ang mga Mother Leaders

Oct 22
1 min read

Matagumpay na isinagawa ng Municipal Nutrition Office (MNO) ng Angat ang Barangay Nutrition Scholar (BNS) at Local Lead Nutritionist (LLN) Monthly Meeting noong Oktubre 14, 2026, kung saan inanyayahan ding dumalo ang mga Mother Leaders mula sa iba't ibang barangay.


Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang pagpapatibay sa Bisyon at Misyon ng tanggapan, kasama ang tamang proseso ng pagsusumite ng mga ulat ukol sa monitoring ng mga batang may edad 0-23 buwan at 24-59 buwan sa komunidad.


Tinalakay rin sa nasabing pagtitipon ang pagmo-monitor sa mga kasalukuyang Feeding Program, pati na rin ang pagbalangkas sa mga susunod na plano at aktibidad para sa natitirang mga buwan ng taong 2026.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Municipal Nutrition Office sa dedikasyon at walang sawang paglilingkod ng mga Barangay Nutrition Scholars at Mother Leaders sa pagtataguyod ng kalusugan at nutrisyon ng mga mamamayan sa Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page