Kalusugan ng mga Bata at Pamamahagi ng Bigas, Tinalakay ng Angat Nutrition Office at LLN

Isang produktibong buwanang pagpupulong ang idinaos ng Angat Nutrition Office kasama ang mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) o Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) noong Agosto 27, 2026, upang pag-usapan ang patuloy na pagpapatatag ng mga programang pagnutrisyon sa bayan.
Pangunahing tinalakay sa pagtitipon ang iskedyul at pamamaraan ng monthly monitoring para sa mga batang edad 0 hanggang 23 buwan, pati na rin ang quarterly monitoring para naman sa mga batang 24 hanggang 59 buwan.

Sinuri rin sa pagpupulong ang pagsubaybay sa Dietary Supplementation Programs (DSP) upang matiyak ang wastong nutrisyon ng mga benepisyaryo, kasabay ng pag-aayos ng masterlist at pagbibigay ng ID para sa pamamahagi ng bigas (rice distribution).
Nagpaabot ng pagkilala at pasasalamat ang Angat Nutrition Office sa dedikasyon at sipag ng mga BNS at LLN sa kanilang walang sawang paglilingkod para sa kalusugan at kapakanan ng bawat pamilyang Angateño.











Comments