top of page
bg tab.png

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa Paggunita ng Ninoy Aquino Day


ree

Ngayong araw, ating ginugunita ang kabayanihan ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., na nagbuwis ng buhay noong Agosto 21, 1983. Ang kanyang pagkamatay ay nagsilbing mitsa ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino na nagbunsod sa makasaysayang People Power Revolution noong 1986—isang kilusang nagpatalsik sa diktadura at nagbalik ng demokrasya sa ating bayan.


Nawa’y magsilbing paalala ang araw na ito ng kahalagahan ng katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan upang patuloy nating pangalagaan at palakasin ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page