
Isang makabuluhang proyekto ang inilunsad para sa mga taga-Brgy. Niugan at Brgy. Dinacion na magbibigay ng kabuhayan sa 25 benepisyaryo! Tatanggap ang mga kalahok ng kumpletong kagamitan upang makagawa ng mga produkto mula sa waterlily—isang inisyatibo na sinusuportahan ng Department of Labor and Employment. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng dagdag na mapagkukunan ng pagkakakitaan ang ating mga kababayan.
Pinangunahan ang programa ng ating OIC Peso Daizerina Pascual, kasama sina Provincial Head DOLE Bulacan Field Office Leilani M. Reynoso, Livelihood Development Specialist Frances Lyn de Guzman, DTI Hanna Sarmiento, at Kap. Roberto Maximo.
Comments