Nagbabala Laban sa mga Maingay na Tambutso
- Angat, Bulacan

- Apr 30
- 1 min read

Upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad at maiwasan ang polusyon sa ingay, nagpalabas ng mahigpit na paalala ang PNP Angat sa publiko na mariing ipinagbabawal ang paggamit ng mga modified o maingay na tambutso (mufflers) sa mga pampubliko at pribadong sasakyan.
Ipinunto ng himpilan na ang mga sobrang ingay na tambutso ay hindi lamang nagdudulot ng istorbo at stress sa mga residente, kundi isa rin itong paglabag sa mga lokal na ordinansa at batas trapiko.









Comments