Munting Paraiso ni Yoly Farm sa Angat, Tampok ang Agri-Tourism at TESDA Courses
- Angat, Bulacan

- Jun 17
- 1 min read

Isang natatanging destinasyon na pinagsasama ang pamamasyal, pamimili ng sariwang produkto, at edukasyon ang ibinida ngayon ng Municipal Tourism Office para sa mga nagnanais ng kakaibang karanasan ngayong bakasyon o katapusan ng linggo.
Ito ay ang Munting Paraiso ni Yoly Farm, isang lokal na sakahan sa bayan ng Angat na kilala ngayon bilang isang all-in-one agri-tourism site. Tamang-tama ang lugar para sa mga pamilya o magbabarkada na gustong lumayo muna sa ingay ng lungsod at muling mag-reconnect sa kalikasan.
Bukod sa pagiging pasyalan, ang Munting Paraiso ni Yoly Farm ay isang sertipikadong TESDA School at Agricultural Training Institute (ATI) Learning Site. Dito ay pwedeng-pwede ring matuto ang mga bisita sa pamamagitan ng isang hands-on learning experience ukol sa makabago at organikong pagsasaka (organic agriculture).

Bago umuwi, hinihikayat din ang mga turista na tangkilikin at tikman ang kanilang mga sariwa at organikong produkto na diretsong ani at gawa sa farm tulad ng:
Sariwang gatas (fresh milk)
Colored rice (tulad ng brown o black rice)
Molasses (pulot)
Mga sariwang gulay at iba pang organic goods
Ayon sa Municipal Tourism Office, ang mga ganitong uri ng agri-tourism site sa Angat ay hindi lamang nagbibigay ng relaksasyon sa mga bisita, kundi nagtataguyod din ng kalusugan, tamang kaalaman sa agrikultura, at suporta sa mga lokal na magsasaka ng bayan.









Comments