Sa pamamagitan ng programang "Munisipyo sa Barangay" (MSB) na ginanap sa Barangay Sto. Cristo, nakapagbigay ng iba't ibang serbisyo sa 552 mamamayan ang lokal na pamahalaan. Kasama sa mga serbisyong inialok ang libreng serbisyong medikal at dental, eye check-up, at personal care services tulad ng libreng gupit at alis kuto.
Bukod dito, nagkaroon din ng bakuna para sa mga alagang hayop, pamimigay ng libreng binhi, at pagpoproseso ng mga ID para sa mga senior citizen, PWD, at solo parents.
Personal na binisita nina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang mga kabarangay na may sakit at hindi kayang pumunta sa programa. Naghatid sila ng tulong tulad ng assistive devices at food packs.
Pinasalamatan ng lokal na pamahalaan ang mga katuwang sa programa, kabilang ang Sangguniang Barangay ng Sto. Cristo sa pamumuno ni Kapitan Ernesto Sarmiento, Angat Eye Clinic, Samahan ng Angat Kalusugan, mga doktor, at dentista. Ilan sa mga doktor at dentista na nakiisa sa programa ay sina:
- Dra. Marivic Rimando Abelardo
- Dra. Ana Patricia Abelardo Capinpin
- Dra. Nynia Syvenska Ong Reyes
- Dr. Primo de Guia
- Dr. Monet Manuel
Patuloy ang ganitong programa upang masigurong makararating ang mga serbisyong pangkalusugan at iba pang pangunahing pangangailangan sa bawat barangay sa ating bayan.
コメント