๐๐ฎ๐ง๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐ค๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐จ๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ฌ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐ง๐๐ ๐ก๐๐ญ๐ข๐ ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐จ
Patuloy ang dedikasyon ng ating pamahalaang bayan sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan! Naging matagumpay ang programa sa Barangay Marungko, kung saan 490 residente ang nakatanggap ng ibaโt ibang serbisyo katuwang ang Angat Eye Clinic at Angat Kalusugan.
Personal na bumisita sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Barangay, sa pangunguna ni Kap. Doris de Guzman Ramos, upang magbigay ng tulong sa mga may sakit na hindi kayang magtungo sa programa. Namahagi sila ng assistive devices at food packs bilang bahagi ng serbisyong handog ng ating bayan.
Maraming salamat sa mga doktor at dentista na walang pagod na nakatuwang sa programang ito:
โข Dra. Regie Trinidad
โข Dr. Andre Gabriel Punsalan (Angat Eye Clinic)
โข Dra. Marivic Rimando Abelardo
โข Dra. Ana Patricia Abelardo Capinpin
โข Dr. Primo de Guia
โข Dra. Monina Manuel
Mabuhay ang Angat at ang ating mga masisipag na lingkod-bayan!
Comments