Limang Mag-aaral sa Marungko, Tumanggap ng Tulong-Pinansyal sa Ilalim ng Bagong Pilipinas Presidential Scholars Program

Pormal nang naipamahagi ng Pamahalaang Barangay ng Marungko ang tulong-pinansyal mula sa programang Bawat Barangay Makikinabang (BBMP) para sa limang piling mag-aaral sa kolehiyo na ginawaran bilang Bagong Pilipinas Presidential Scholars.
Ayon sa pamunuan ng barangay, ang pagiging bahagi ng mga napiling iskolar ay hindi lamang simpleng pagkilala sa talino at sipag ng mga kabataan, kundi isang malinaw na patunay ng kanilang dedikasyon, tiyaga, at pangarap na maging bahagi ng pag-unlad ng buong bayan.

Ipinagmalaki ng Barangay Marungko ang tagumpay ng limang mag-aaral at nanalangin na magsilbi silang inspirasyon sa kapwa mga kabataan upang patuloy na mangarap, magsikap, at gamitin ang kanilang kaalaman para sa pagbuo ng mas maunlad na Bagong Pilipinas.
Binigyang-diin ng barangay na ang karangalang nakamit ng mga bagong iskolar ay tunay na karangalan din para sa buong pamayanan ng Marungko.









Comments