Pamahalaang Barangay ng Marungko, Patuloy ang Pagpapanatili ng Malinis na Kapaligiran

Muling nagkaisa ang Sangguniang Barangay at mga kawani ng Barangay Marungko sa pagsasagawa ng kanilang regular na Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Setyembre 26, 2026.
Nakasentro ang aktibidad sa paglilinis ng mga pangunahing daanan, canal, at mga pampublikong pasilidad upang matiyak na maayos ang daloy ng tubig at maiwasan ang pag-iipon ng basura na pwedeng panggalingan ng mga peste at sakit.
Ang patuloy na inisyatibong ito ay bahagi ng masigasig na adbokasiya ng barangay sa pagtataguyod ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng buong pamayanan.
Muling nagpaalala at nanawagan ang pamunuan ng Barangay Marungko sa lahat ng residente na panatilihin ang disiplina sa pagtatapon ng basura at patuloy na pangalagaan ang kani-kanilang mga bakuran.











Comments