Municipal Agriculture Office, Naghatid ng Libreng Serbisyo para sa mga Magsasaka at Pet Owners sa Barangay Sulucan

Nakiisa ang Municipal Agriculture Office (MAO Angat) sa muling pagpapatuloy ng Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB) noong Setyembre 11, 2026, sa Barangay Sulucan, Angat, Bulacan.
Hatid ng MAO ang libreng pagpaparehistro para sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), gayundin ang pagproseso ng mga aplikasyon para sa crop at livestock insurance upang matulungan ang mga nakatatalang magsasaka at mga small/backyard farmers sa bayan.

Nagkaloob din ang tanggapan ng mga libreng binhi ng pechay at mustasa, kasama ang mga punla ng pipino at okra upang isulong ang pagtatanim at sapat na pagkain sa bawat tahanan.
Kasabay nito, nagkaroon din ng libreng pagbabakuna kontra-rabies para sa mga alagang aso at pusa sa pangunguna ni Dr. Babylyn Cruz mula sa Provincial Veterinary Office.
Nagpaabot ng pasasalamat ang MAO Angat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa programa, kasabay ng pangako na patuloy silang maghahatid ng mga direktang serbisyo at suporta para sa sektor ng agrikultura sa bayan.










Comments