top of page
bg tab.png

MTO Angat, Nagsagawa ng Inspection and Calibration sa mga Gasolinahan sa Bayan

Oct 15
1 min read

Isinagawa ng mga kawani ng Municipal Treasurer's Office (MTO) ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang opisyal na calibration at inspection ng mga dispensing pumps sa iba't ibang istasyon ng langis at gasolinahan sa buong bayan ngayong taong 2026.


Ayon sa MTO Angat, ang regular na gawaing ito ay naglalayong tiyakin na tama at tumpak ang bawat litrong ikinakarga sa mga sasakyan ng mga mamamayan, habang pinoprotektahan ang karapatan at kapakanan ng bawat mamimiling Angatenyo.



Pinangangalagaan din ng nasabing hakbang ang pagsunod ng mga lokal na fuel stations sa mga tamang probisyon, pamantayan, at regulasyong itinatakda ng batas hinggil sa kalakalan at pagsusukat.


Pinapayuhan ng MTO at ng lokal na pamahalaan ang publiko na manatiling alerto at sigurado sa bawat pagpapakarga. Para sa mga katanungan, obserbasyon, o ulat ukol sa sukat ng mga gasolinahan, maaaring makipag-ugnayan nang direkta sa tanggapan ng Municipal Treasurer's Office.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page