top of page
bg tab.png

MTO Angat, Nagpaalala: Amnesty sa Amilyar, Hanggang Hulyo 6 na Lang!


Isang mahalagang panawagan ang ipinalabas ng Municipal Treasurer’s Office (MTO) ng Angat para sa lahat ng mga may-ari ng lupa at ari-arian sa buong bayan: Hanggang Hulyo 6, 2026 na lamang ang huling araw para sa tax amnesty ng Amilyar o Real Property Tax (RPT).


Dahil dito, hinihimok ng MTO Angat ang publiko na huwag nang magpatumpik-tumpik pa at samantalahin ang nalalabing mga araw bago ang itinakdang deadline.


Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng malaking tulong sa mga taxpayer sa pamamagitan ng pagbura o pagbawas sa mga multang pinansyal o penalties, pagbibigay ng huling tyansa sa mga mamamayan upang maiayos ang estado ng kanilang mga ari-arian nang hindi mabibigatan sa babayaran at pagtiyak na mananatiling legal at walang sabit ang pagmamay-ari ng kanilang mga lupa at gusali.


Magtungo lamang sa tanggapan ng Municipal Treasurer sa Municipal Hall ng Angat para sa pagpoproseso at pagbabayad. Paalala ng pamahalaang bayan, huwag nang hintayin ang huling araw ng dagsaan upang maging mabilis at maginhawa ang inyong transaksyon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page