MTDC at MCAC, Nagsagawa ng 1st Quarter Joint Meeting
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Sa layuning higit pang itampok ang yaman ng sining at kasaysayan ng bayan, matagumpay na idinaos ang 1st Quarter Joint Meeting ng Municipal Tourism Development Council (MTDC) at Municipal Culture and Arts Council (MCAC).
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Christine Charlotte Trinidad, Designated Tourism Officer, kung saan tinalakay ang mga updates sa mga kasalukuyang programa at ang mga estratehikong proyekto para sa taong 2026. Ang mga inisyatibong ito ay inaasahang magsisilbing gabay para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga aktibidad na magpapaunlad sa sektor ng turismo at sining sa Angat.

Nakiisa sa nasabing pagtitipon si Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, kasama si ABC President Kap. Alex Tigas, mga department heads, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang Civil Society Organizations (CSOs). Ang presensya ng iba't ibang sektor ay nagsisilbing patunay ng matibay na suporta at kooperasyon upang gawing sentro ng kultura at turismo ang bayan sa buong lalawigan ng Bulacan.
Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito, hangad ng Lokal na Pamahalaan na hubugin ang isang komunidad na hindi lamang progresibo sa ekonomiya, kundi may mataas ding pagpapahalaga sa sariling sining at pagkakakilanlan—isang tunay na maipagmamalaking Angat para sa bawat mamamayan.









Comments