MSWDO, Pinangunahan ang Lingguhang Flag Raising Ceremony
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Muling nagtipon-tipon ang mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan para sa lingguhang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) nitong Lunes ng umaga sa harap ng Gusaling Pamahalaan.
Nakiisa sa nasabing aktibidad sina Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Igg. Arvin Agustin, kasama sina Kon. Blem Cruz at Kon. JP Solis. Naroon din ang mga Pinuno ng iba’t ibang Tanggapan, gayundin ang mga operatiba mula sa Angat PNP at Angat BFP, at ang buong pwersa ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan.
Ang lingguhang pagtataas ng watawat ay nagsisilbing mahalagang sandali upang sariwain ang sinumpaang tungkulin ng bawat isa bilang lingkod-bayan. Layunin nito na muling paalalahanan ang mga kawani sa kanilang gampanin na maghatid ng serbisyo publiko na tapat, mabilis, at may malasakit para sa lahat ng mamamayang Angateño.









Comments