top of page
bg tab.png

MSWDO, Nagsagawa ng Multi-Sectoral Year-end Assessment


Isinagawa sa ating Municipal Gymnasium ang Year-end Assessment 2023 para sa mga sektor ng Daycare Teachers, Solo Parents, Persons with Disabilities (PWD), Barangay Violence Against Women (BVAW) advocates, mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at mga mahal nating Senior Citizen. Pinangunahan ito ng ating MSWDO na si Menchie Bollas kasama ang kanyang mga kawani ng tanggapan.


Isang masayang okasyon ang naganap dahil dumalo rin ang ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, na nagbigay ng kanyang mahalagang mensahe para sa lahat ng naroon. Ang partisipasyon ng bawat isa ay nagbigay ng dagdag na sigla at inspirasyon sa nasabing pagtitipon, na nagresulta sa isang matagumpay at makabuluhang pagsasama-sama ng mga sektor ng lipunan na ito.

5 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page