top of page
bg tab.png

MSWDO at DSWD Regional Office, Matagumpay na Nagdaos ng AICS Payout sa Angat


Patuloy na ipinapakita ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Angat ang kanilang mabilis at tapat na pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan matapos matagumpay na maipamahagi ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa kabuuang 500 benepisyaryo mula sa iba't ibang barangay sa buong bayan.


Ang programang ito ay naglalayong mag-abot ng kaukulang tulong-pinansyal para sa mga pamilya at indibidwal na kasalukuyang nakararanas ng matinding krisis sa buhay, tulad ng gastusing medikal, libing, edukasyon, o iba pang biglaang pangangailangan.


Personal na nakiisa at sumubaybay sa programa si Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista upang tiyaking maayos at mabilis na maihahatid ang tulong sa mga residente.



Naging katuwang sa matagumpay na distribusyon ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Menchie Bollas, gayundin ang mga kinatawan at kawani mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office. Ang pagdalo ng mga kinatawan mula sa rehiyon ay patunay ng matatag na ugnayan ng lokal na pamahalaan sa nasyonal na gobyerno para sa kapakanan ng mga Angateño.


Sa pamamagitan ng pondong ito, nabibigyan ng agarang lunas at ginhawa ang mga kababayang labis na nangangailangan ng ayuda. Ang bawat payout ay dumaan sa tamang proseso ng pagsusuri ng MSWDO upang masigurong ang tulong ay mapupunta sa mga tamang kamay.


Ang patuloy na pagpapatupad ng AICS program ay bahagi ng mas pinalawak na adyenda ng administrasyong Bautista na unahin ang kapakanan ng mga mahihirap at nangangailangang sektor, tungo sa isang mas matatag at mapagkalingang Bayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page