Idinaos ang makulay na MSWD Sectoral Group Year-End Assessment 2024 (Senior, PWD, PYA, Solo Parent, VAWC, Parent Leaders of 4Ps) sa Angat Municipal Gymnasium na pinangunahan ng MSWDO Menchie Bollas kasama ang kanyang mga kawani.
Dumalo sa programa sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at si Bokal Jay De Guzman, na nagpakita ng suporta para sa layunin ng MSWD sa pagtatapos ng taon.
Naging matagumpay ang aktibidad na puno ng kasiyahan at pasasalamat, na nagbigay-daan upang balikan ang mga naging tagumpay ng sektor sa buong taon at magplano para sa mas masiglang paglilingkod sa 2025.
Comentários