top of page
bg tab.png

MPOC at MADAC, Nagsagawa ng Joint Meeting para sa Kaayusan at Kampanya Kontra Droga


ree

Isinagawa ang 4th Quarter Joint Meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) upang talakayin ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan para sa kapayapaan, kaligtasan, at kaayusan ng Bayan ng Angat.


Pinangunahan ni MLGOO Ernest Kyle Agay ang pagpupulong na dinaluhan nina Punong Bayan Reynante S. Bautista, mga Punong Barangay, mga Civil Society Organizations (CSOs), at mga kawani ng Pamahalaang Bayan.


Nagbahagi ng kanilang accomplishment report ang mga pangunahing ahensya sa seguridad at kaayusan:


  • Angat PNP: Pinamunuan ni PCPT Jayson M. Viola.

  • Angat BFP: Pinamunuan ni FS/INSP Arnel T. Canoza.

  • POC Focal Person Aldwin John Fajardo: Naglahad ng Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan.


Nagbigay rin ng karagdagang impormasyon si PDEA Provincial Officer Liwanag Sandaan ukol sa Strengthening the Implementation of the Barangay Drug Clearing Program.


Tinitiyak ng Pamahalaang Bayan, katuwang ang iba’t ibang sektor, ang pagpapatibay ng mga programa na nagtataguyod ng isang ligtas at mapayapang komunidad para sa bawat Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page