top of page
bg tab.png

MPDO, Pinangunahan ang Flag Raising Ceremony sa Bayan ng Angat


Pormal na sinimulan ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang bagong linggo ng paglilingkod sa pamamagitan ng kanilang regular na Lingguhang Pagtataas ng Watawat  na sinundan ng isang makabuluhang pagtitipong espirituwal.


Ang aktibidad ngayong linggo ay pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Planning & Development Office (MPDO).


Naging kaisa sa nasabing seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga pinuno ng iba't ibang tanggapan, at lahat ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan.


Dumalo rin sa pagtitipon ang mga puwersa ng kapayapaan at kaligtasan sa bayan kabilang ang Angat Philippine National Police (PNP) at ang Angat Bureau of Fire Protection (BFP), na nagpapakita ng pagkakabuklod-buklod ng bawat sektor upang maghatid ng mas maayos na serbisyo publiko.


Agad namang sinundan ang pagtataas ng watawat ng isang Bible Study na pinangunahan ng mga iginagalang na pastor mula sa Angat Christian Ministerial Association.


Ayon sa pamunuan ng lokal na pamahalaan, ang regular na gawaing ito ay mahalaga upang higit na mapalago ang espirituwal na buhay ng mga kawani, magkaroon ng positibong pananaw sa paggawà, at matiyak na ang bawat desisyon at serbisyong inihahatid sa mga Angatenyo ay may gabay at takot sa Poong Maykapal.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page