MPDO, Nanguna sa Lingguhang Pagtataas ng Watawat
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Isinagawa ang lingguhang seremonya ng Pagtataas ng Watawat ng Pamahalaang Bayan ng Angat ngayong Lunes, na pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Planning & Development Office (MPDO).
Dinaluhan ang seremonya nina Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, Konsehal JP Solis, Konsehal Blem Cruz, at ang mga pinuno at kawani mula sa iba't ibang tanggapan, kasama ang Angat PNP at Angat BFP.
Sinundan ang flag raising ceremony ng isang Bible Study na pinangunahan ng mga pastor mula sa Angat Christian Ministerial Association (ACMA). Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng LGU sa espirituwal na pag-unlad ng kanilang mga kawani.









Comments