top of page
bg tab.png

MPDO, Nagsagawa ng Workshop para sa Relocation and Resettlement Action Plan sa Tulong ng NHA

ree

ANGAT, BULACAN — Isinagawa ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) ang isang Preliminary Workshop at Orientation kaugnay ng Relocation and Resettlement Action Plan (RRAP) noong kamakailan sa Municipal Conference Hall, katuwang ang National Housing Authority (NHA).


Layunin ng RRAP na matiyak ang maayos, ligtas, at makataong proseso ng relokasyon para sa 155 informal settler families mula sa mga barangay Sto. Cristo, San Roque, at Sta. Cruz, na ililipat sa NHA Housing Project sa Brgy. Pulong Yantok.


Nagbahagi ng kaalaman si Ms. Christine Pulido Firmalino, Department Manager A ng Resettlement and Development Services Department – NHA, ukol sa tamang implementasyon ng programa at ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at ng mismong komunidad.


Dinaluhan ang aktibidad nina Punong Bayan Reynante “Jowar” Bautista, MLGOO Kyle Ernest Agay, at mga kinatawan mula sa NHA, MPDO, LIAC, HOA, iba pang tanggapan ng pamahalaan, at mga service providers.


Sa pamamagitan ng programang ito, pinalalakas ang kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan tungo sa disenteng pabahay at inklusibong pag-unlad — isang hakbang patungo sa mas ligtas, maayos, at maunlad na pamayanan para sa bawat Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page