top of page
bg tab.png

BPLS-Joint Inspection Team ng Angat, Nagpulong para sa Assessment at Pagpaplano


Matapos ang magkakasunod na field validation at inspeksyon sa mga establisimyento sa labing-anim (16) na barangay, nagtipon-tipon ang Business Permit & Licensing System - Joint Inspection Team (BPLS-JIT) para sa isang mahalagang Post-Assessment and Planning Session.



Ang pagpupulong ay pinangunahan ng BPLO bilang Team Leader, sa ilalim ng gabay ng Municipal Treasurer's Office (MTO Angat). Layunin ng aktibidad na suriin ang mga nagdaang operasyon upang mas mapatibay ang isang "business-friendly approach"—kung saan mas nagiging maayos, maalwan, at propesyunal ang pakikipag-usap ng grupo sa mga lokal na negosyante.


Sa nasabing pagtitipon, tinalakay ang mga positibong epekto ng inspeksyon sa pangkalahatang ekonomiya ng bayan at sa bawat regulatory office. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagbabahagi ng mga legal na kaalaman sa mga mamumuhunan ukol sa mga patakarang ipinatutupad ng lokal at nasyonal na pamahalaan. Bukod sa pag-analisa sa mga nakaraang operasyon, binalangkas na rin ng koponan ang mga estratehiya at plano para sa kanilang mga susunod na pag-ikot.


Nagpaabot naman ng malalim na pasasalamat ang grupo kay Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista sa patuloy na suporta nito, gayundin sa mga miyembro ng BPLS-JIT na kinabibilangan ng mga sumusunod na tanggapan at kinatawan:

  • Municipal Planning & Development Office (MPDO)

  • Municipal Engineering Office (MEO)

  • MENRO Angat

  • Municipal Assessor's Office

  • Rural Health Unit (RHU) - Sanitary Office

  • Municipal Tourism Office

  • Public Employment Service Office (PESO Angat)

  • Bureau of Fire Protection (Bumbero Angat)

  • Negosyo Center Bulacan: Angat - LGU

  • Mga Opisyal at Kinatawan ng mga Barangay


Muling pinaalalahanan ng BPLO ang publiko na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga katanungan o ulat. Maaaring magsadya nang personal sa kanilang opisina, tumawag, o mag-iwan ng mensahe sa opisyal na Facebook Page ng BPLO Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page