top of page
bg tab.png

343rd GulayAngat Festival: Official Angat Tourism Video, Pormal nang Ipinalabas

15 minutes ago
1 min read

Pormal nang inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang Official Angat Tourism Video bilang bahagi ng opisyal na pagbubukas ng 343rd GulayAngat Festival, na naglalayong ipagdiwang ang mayamang kasaysayan, makulay na kultura, likas na yaman, at patuloy na pag-unlad ng bayan.


Sa ilalim ng temang “Binhi ng Pagbabago, Ani ng Pagkakaisa,” itinampok sa tourism video ang mga natatanging tanawin, tradisyon, kabuhayan, at mga pamanang kuwento ng Angat. Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na bukod sa mga makasaysayang lugar at magagandang tanawin, ang tunay na yaman ng Angat ay ang mga mamamayan nitong patuloy na nagbibigay-buhay at kulay sa komunidad.


Ang nasabing pampamahalaang proyekto ay naisakatuparan sa pangunguna ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista at sa pakikipagtuwang sa mga lokal na komunidad at organisasyon. Tampok sa video si Sharmaine Carlon, lapat ng orihinal na musika mula kay DJ Galang, at ginawa ng Mel Cortez PH.


Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang lahat ng mga mamamayan at mga turista na panoorin ang promotional video, tuklasin ang pamana ng bayan, at makiisa sa mga aktibidad ng ika-343 taong pagdiriwang ng kapistahan.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page