PAGSURI SA NASIRANG SLOPE PROTECTION SA BARANGAY SULUCAN, AGAD NA ISINAGAWA NG MDRRMO AT MPDO ANGAT
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Personal na nagtungo at nagsagawa ng pagsusuri ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Planning and Development Office (MPDO) sa nasirang slope protection sa Barangay Sulucan ngayong Hulyo 21, 2026.
Pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., OIC-Municipal Administrator at MGDH I (MDRRMO), katuwang si Engr. Romeo Tigas na kinatawan ng MPDO, ang Assessment Team matapos ang direktang utos mula kay Punong Bayan at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista. Isinagawa ang inspeksyon kasunod ng mga ulat mula sa mga residente ukol sa napinsalang pasilidad dahil sa matinding pananalasa ng pinalakas na Habagat nitong mga nagdaang araw.
Batay sa ginawang ebalwasyon ng assessment team, lumabas sa pagsusuri ang mga sumusunod na hakbang at detalye:
Natukoy na matagal nang naitayo ang nasabing slope protection kung kaya't mabilis itong naapektuhan ng masamang panahon.
Tiniyak sa mga residente na agad kukumpunihin ang naaktuhang estraktura upang maibalik ang kaligtasan sa lugar.
Maglalaan ang pambayang pamahalaan ng sapat na badyet upang maipatayo ang mas matibay at modernong slope protection.

Sa pamamagitan ng mabilis na aksyon at pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, patuloy na tinitiyak ng Bayan ng Angat ang kaligtasan ng bawat mamamayan laban sa banta ng mga sakuna.









Comments