NASIRANG SLOPE PROTECTION SA ILALIM NG TULAY NG BRGY. NIUGAN, AGAD NA ININSPEKSYON NG MDRRMO AT MGA OPISYAL NG ANGAT
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Agad na nagsagawa ng ocular inspection ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) katuwang ang Municipal Planning and Development Office (MPDO) at Municipal Engineering Office (MEO) sa tulay na matatagpuan sa Barangay Niugan ngayong Agosto 21, 2026.
Pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., OIC-Municipal Administrator at MGDH I (MDRRMO), kasama si Engr. Romeo Tigas ng MPDO at Engr. Jerome del Rosario ng MEO, ang pagbisita sa lugar upang suriin ang lagay ng impraspraktura kasunod ng pananalasa ng pinalakas na Habagat.

Naitala ng Assessment Team at ng mga lokal na opisyal ang mga sumusunod na pangunahing obserbasyon at paunang aksyon:
Pinsala sa Estraktura: Nakitaan ng pagkasira ang slope protection sa ilalim ng tulay na nagdulot ng pag-uka ng lupa sa ilalim nito.
Pansamantalang Babala: Agad na naglagay ng caution tape ang Sangguniang Barangay ng Niugan sa pangunguna ni Kapitan Roberto Maximo sa kanang bahagi ng kalsada upang maiwasan ang anumang aksidente at pigilan ang mas malaking pinsala.
Koordinasyon sa DPWH: Mabilis na nakipag-ugnayan ang Lokal na Pamahalaan ng Angat sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 2nd District Engineering Office para sa mas maayos na paglalagay ng babala at teknikal na assessment para sa pagsasaayos ng tulay.
Sa pamamagitan ng mabilis na pagtugon ng munisipyo at ng mga kaugnay na ahensya, tinitiyak ng Bayan ng Angat ang kaligtasan ng mga mamamayan at ang agarang pagsasaayos ng pampublikong impraspraktura.









Comments