top of page
bg tab.png

Modular Tents at 2-Milyong Piso para sa TUPAD, Natanggap ng Angat

Updated: Mar 28, 2023


Nagtungo ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista sa Bayan ng Bocaue upang dumalo sa Turnover Ceremony ng Modular Tents na ibinahagi sa lahat ng Pamahalaang Bayan at Lungsod sa ating Lalawigan. Kaugnay nito, naging benepisyaryo din ang ating bayan upang makatanggap ng 2 Milyong Piso na nagmula sa ating butihing Senator Joel Villanueva.


Ang pondong ito ay gagamitin sa mga benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.


Nakiisa sa programa ang ating Gobernador Daniel R. Fernando, Bise Gobernador Alex Castro maging ang mga Punong Bayan sa Lalawigan ng Bulacan. Naroroon din ang ating MSWDO Menchie M. Bollas, MDRRMO Ma. Lourdes Alborida at PESO Manager Pauleen Christsolite Suarez na ginanap sa Bayan ng Bocaue sa pangunguna ni Mayor Eduardo J. Villanueva Jr.


Ibinahagi ng ating butihing senador na patuloy ang gagawing pagsuporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng magagandang proyekto at programa sa ating lalawigan.


Ang ating pamahalaang lokal ay lubos na nagpapasalamat sa ating butihing Senator Joel Villanueva sa kanyang pagbabahagi ng tulong na higit na pakikinabangan ng mga Angateños.


8 views0 comments

Commentaires


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page