Mobile Blood Donation, Matagumpay na Isinagawa sa Niugan
- Angat, Bulacan

- Aug 19
- 1 min read

Idinaos noong Agosto 19, 2025 sa Niugan Covered Court ang isang Mobile Blood Donation Drive na dinaluhan ng mga boluntaryong handang magbigay ng kanilang dugo para sa kapwa.
Umabot sa 55 na blood donors ang nagpaabot ng kanilang walang sawang suporta at kabayanihan sa pamamagitan ng pag-donate ng dugo. Ang kanilang kontribusyon ay tiyak na makapagliligtas ng maraming buhay at magsisilbing inspirasyon upang mas marami pang mamamayan ang makiisa sa ganitong makabuluhang gawain.
Maraming salamat sa ating mga “Blood Heroes”!









Comments