top of page
bg tab.png

Mobile Blood Donation, Matagumpay na Isinagawa ng MHO Angat sa Encanto Health Station

Sep 7
1 min read

Matagumpay na idinaos ng Municipal Health Office (MHO Angat) ang isang Mobile Blood Donation Activity ngayong Setyembre 7, 2026, na ginanap sa Encanto Health Station sa Barangay Encanto, Angat, Bulacan.


Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na advocacy ng MHO Angat upang makalikom ng sapat at ligtas na supply ng dugo para sa mga mamamayang nangangailangan ng emergency transfusion o tulong-medikal sa bayan.


Nakiisa at nagboluntaryo ang maraming mamamayan at lokal na residente ng Barangay Encanto upang mag-donate ng dugo. Pinangunahan ng mga doktor, nars, at mga medical personnel ng MHO ang pagsusuri at ligtas na proseso ng pagkuha ng dugo.


Pinasalamatan ng MHO Angat at ng pamahalaang bayan ang lahat ng mga bagong blood donors at volunteers na nag-alay ng kanilang oras at dugo upang makasagip ng buhay ng kapwa Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page