top of page
bg tab.png

Mobile Blood Donation, Matagumpay na Isinagawa ng Angat RHU at Bulacan Blood Center sa Barangay Binagbag

Oct 13
1 min read

Matagumpay na isinagawa ang Mobile Blood Donation sa Binagbag Covered Court ngayong Oktubre 13, 2026, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Angat Rural Health Unit (RHU) sa Bulacan Blood Center.


Naging layunin ng nasabing aktibidad na makakolekta ng sapat na supply ng dugo para sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong-medikal sa bayan at sa buong lalawigan ng Bulacan.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng Angat RHU sa lahat ng mga residenteng nakiisa at nagboluntaryong mag-alay ng dugo, na kinilala ng tanggapan bilang mga tunay na "blood heroes" dahil sa kanilang kawanggawa at pagmamalasakit sa kapwa.


Ayon sa Angat RHU, ang patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa Bulacan Blood Center ay mahalagang hakbang upang mapanatiling handa ang bayan sa mga pangkagipitang pangangailangang pangkalusugan.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page