Mobile Blood Donation Idinaos sa San Roque Covered Court

Matagumpay na nagsagawa ng Mobile Blood Donation ang Angat Rural Health Unit (RHU), sa pakikipag-ugnayan sa Bulacan Blood Center, ngayong Nobyembre 10, 2026 sa San Roque Covered Court, Angat, Bulacan.
Layunin ng nasabing programang pangkalusugan na makalikom ng sapat na suplay ng dugo na makatutulong sa mga pasyenteng nangangailangan nito sa mga pagamutan, kasabay ng patuloy na pagsusulong ng boluntaryong pag-aalay ng dugo sa komunidad.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang Angat RHU sa lahat ng mga “blood heroes” at kuwalipikadong mamamayan na nakiisa at nagbigay ng bahagi ng kanilang dugo upang makapagsagip ng buhay.










Comments