Mobile Blood Donation Drive sa Brgy. Sta. Cruz, Matagumpay na Naisagawa
- Angat, Bulacan

- Feb 11
- 1 min read

Matagumpay na nairaos ng Angat Rural Health Unit (RHU) ang kanilang Mobile Blood Donation Drive nitong ika-10 ng Pebrero, 2026, na ginanap sa Covered Court ng Barangay Sta. Cruz.
Daan-daang residente ang nakiisa at nagbahagi ng kanilang "gift of life" sa nasabing aktibidad. Sa isang pahayag, taos-pusong nagpasalamat ang pamunuan ng RHU Angat sa mga donors na nagpakita ng kabutihang-loob at malasakit sa kapwa. Ayon sa RHU, ang bawat yunit ng dugo na nalikom ay magsisilbing mahalagang tulong at pag-asa para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo.
Bukod sa mga donors, kinilala rin ang mahalagang papel ng mga healthcare workers, volunteers, at mga partner organizations. Binigyang-diin din ang "full support" ng mga opisyales ng Barangay Sta. Cruz na naging katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at tagumpay ng programa.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa ilalim ng RHU, na palakasin ang sistemang pangkalusugan sa bawat barangay at matiyak na may sapat na suplay ng ligtas na dugo para sa komunidad.








Comments