top of page
bg tab.png

MJSB at Damayan sa Barangay, Naghatid ng Tulong sa Mahigit 300 Residente


Isang mas pinalawak at mas pinatibay na hanay ng serbisyo ang muling inilapit ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa mga mamamayan ng Barangay Paltok sa pamamagitan ng Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB).


Naging katuwang sa pagsasakatuparan ng programa ang Damayan sa Barangay (DSB) ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni DSB Head Coordinator Ronie Fernando. Kabalikat din sa nasabing aktibidad ang Angat Eye Clinic, Angat Kalusugan, at ang Sangguniang Barangay ng Paltok sa pangunguna ni Kap. Villamor Lazaro, kasama si Kon. Wowie Santiago.



Umabot sa humigit-kumulang 237 benepisyaryo ang nakatanggap ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan, pangkabuhayan, at pampamayanan. Hindi rin naiwan ang mga kabataan, kung saan sumailalim sa Personal Hygiene at Dental Health Services ang 86 na mag-aaral ng Paltok Elementary School upang itaguyod ang wastong pangangalaga sa kalusugan mula sa murang edad.


Sa gitna ng programa, personal na nagtungo si Mayor Reynante "Jowar" Bautista kasama si Kon. JP Solis sa mga tahanan ng anim (6) na kabarangay na may karamdaman at hindi na nakadalo sa aktibidad. Ang nasabing home visit ay bahagi ng layunin ng alkalde na matiyak na walang naiiwan at lahat ay naaabot ng kalinga ng pamahalaan.


Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor, muling pinatunayan ng Bayan ng Angat ang kanilang pangako na maghatid ng serbisyong may malasakit—isang pamayanang bawat mamamayan ay tunay na naaalagaan at napaglilingkuran.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page