top of page
bg tab.png

Miyembro ng 4Ps sa Angat, Sinanay sa Paggawa ng Dishwashing Liquid at Detergent



Bilang bahagi ng pagpapalakas sa kapasidad ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), matagumpay na idinaos ang isang Skills Training sa paggawa ng dishwashing liquid, liquid detergent, at fabric conditioner ngayong ika-26 ng Marso, 2026.


Ang pagsasanay ay ginanap sa Conference Hall, Old Municipal Building at pinangasiwaan ng dalubhasang TESDA Trainer na si Gng. Wilma Mata. Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga aktibong miyembro, gayundin ang mga nakatakda nang lumabas o "pa-exit" na sa programa, upang magkaroon sila ng alternatibong mapagkakakitaan.



Ayon sa Public Employment Service Office (PESO) Angat, ang nasabing training ay isinagawa base na rin sa ipinahayag na kagustuhan at interes ng mga miyembro na matuto ng mga produktong madaling gawin at mabilis maibenta sa komunidad.


Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, hinahangad ng Lokal na Pamahalaan ng Angat na maging mas produktibo at "self-sufficient" ang mga pamilyang 4Ps, na magsisilbing sandigan nila sa pag-angat ng kanilang antas ng pamumuhay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page