Unang lunes sa buwan ng Oktubre, sinimulan ang linggo sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang banal na Misa sa pangunguna ng Kura Paroko ng Parokya ni Sta. Monica na si Mons. Manny P. Villaroman. Sa pagtatapos ng misa ay binigyan ng natatanging pagkilala ng ating Pamahalaang Bayan ang 2 Departamento (MSWDO at MDRRMO) sa di matatawarang paglilingkod noong nakaraang Super Typhoon Karding.
Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, Sangguniang Bayan, Mun. Administrator Noel C. Alquino, mga Pinuno ng Tanggapan at mga kawani ng Pamahalaang Bayan.
Naibahagi sa Homilya na mahalaga sa pagkatao ng isang tao ang kabutihang loob at handang pagtulong sa iba. "Ang pamumuno ay isang aksyon at hindi isang posisyon"-Mons. Manny Villaroman. Isang katagang nakalarawan sa isang mabuting lider na mamamahala sa kanyang nasasakupan ng buong responsibilidad at paninindigan.
Comments