MHO Angat Nagdaos ng Pagpupulong Ukol sa mga Programang Pangkalusugan sa Bayan

Isinagawa ng Municipal Health Office (MHO) ng Angat ang Local Health Board Meeting ngayong Agosto 25, 2026, sa Conference Hall ng Municipal Building sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan.
Nagtipon sa naturang pagpupulong ang mga miyembro ng lupon upang talakayin ang mga kasalukuyang programang pangkalusugan, usaping pampublikong kalusugan, at mga bagong hakbangin para sa mas epektibong paghahatid ng serbisyong medikal sa buong bayan.
Layunin ng regular na pagpupulong na ito na patuloy na mapalakas ang mga polisiyang pangkalusugan at masiguro ang sapat na suporta sa mga pangangailangang medikal ng bawat mamamayang Angateño.










Comments