top of page
bg tab.png

Mga Starter Sponsor ng GulayAngat Festival 2026, Opisyal na Pinasalamatan ng MTO

2 days ago
1 min read

Pormal na pinakikilala ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office, ang mga katuwang na negosyo at establisimyento na nagsisilbing opisyal na Starter Sponsor para sa GulayAngat Festival 2026.


Kabilang sa mga Starter Sponsor ang Sarmiento Metal Craft, Fresh Q Enterprises Corporation, Haengbok Office Supplies and Equipment Trading, Eggxtra Hatchery, TCPC Paint Center, Angat Steel, Balai Amore Leisure and Farm Resort, Brando Peñaloza, Bulacan Dragon Fruit Depot, Casa Serdeña, Nicofran Enterprises, Jayrald Transport Movers, 4D's Megapines Realty Development, TTI Global Phil, Inc. at D' One Auto Services.


Pinasalamatan ng Municipal Tourism Office ang mga nasabing katuwang sa kanilang bukas-palad na suporta at pakikiisa upang maipagdiwang nang matagumpay ang kultura, komunidad, at lokal na pagmamalaki ng mga Angatenyo.


Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mahalagang kontribusyon ng bawat sponsor ay nagsisilbing malaking tulong sa pagtataguyod ng iba't ibang programa at aktibidad para sa festival ngayong taon.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page