Mga Gurong Angatenyo, Binigyang-Pagkilala sa District Mid-Year Reporting at Teachers' Day Celebration

Ginanap sa Angat Municipal Gymnasium ang District of Angat Mid-Year Reporting of Accomplishments and Teachers’ Day Celebration bilang opisyal na pagkilala at pagbibigay-pugay sa mga guro, non-teaching personnel, at mga retiradong tagapagturo sa bayan ng Angat.
Binigyang-diin sa programa ang mahalagang ambag ng mga guro sa paghubog ng kabataan, kung saan ang kanilang dedikasyon, malasakit, at walang sawang paglilingkod ay nagsisilbing gabay at tanglaw sa bawat mag-aaral tungo sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.

Nakiisa at nagpaabot ng suporta sa nasabing pagtitipon sina Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, Konsehal John Patrick “JP” D.C. Solis, Konsehal Luis “Wowie” J. Santiago, pati na rin si Congressman Salvador Pleyto na kinatawan ni Neris Valeriano.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa lahat ng mga guro at kawani ng edukasyon para sa kanilang hindi matatawarang serbisyo at sakripisyo sa pagtataguyod ng magandang kinabukasan ng mga kabataang Angatenyo.











Comments