MDRRMO, Pinangunahan ang Flag Raising Ceremony sa Angat

Pinangunahan ng mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw, Oktubre 5, 2026, sa Angat Municipal Hall.
Ang nasabing seremonya ay nagsilbing pormal na pagbubukas ng panibagong linggo ng sama-samang paglilingkod ng pamahalaang bayan para sa mga mamamayan ng Angat.
Sinundan ito ng pag-aalay ng Banal na Misa na pinamunuan ni Rev. Fr. Peter Collin Crisostomo upang maghandog ng pasasalamat at humingi ng patuloy na paggabay para sa ligtas at maayos na pagpapatupad ng mga pampublikong tungkulin.

Nakiisa sa nasabing pagtitipon sina Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, Konsehal John Patrick D.C. Solis, at Konsehal Blem Cruz.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga pinuno ng iba't ibang tanggapan, mga kinatawan mula sa Angat Municipal Police Station (MPS) at Angat Bureau of Fire Protection (BFP), pati na rin ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat.











Comments