top of page
bg tab.png

Mga Senior Citizens sa Bayan ng Angat, Pinamahagian ng Tulong


Sinimulan ang unang araw ng Disyembre sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong para sa mga kababayan nating Senior Citizens.


Pinangunahan ito ng ating MSWD Angat Municipal Social Welfare and Development Officer, Menchie Bollas katuwang ang DSWD Regional Office III kung saan nasa mahigit isanlibo at tatlumput walo (1038) ang matutulungang benepisyaryo mula sa ating bayan.


Dinaluhan ito ng ating butihing Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin kasama ang Sangguniang Bayan Members na ginanap sa ating Angat Evacuation Center, San Roque, Angat, Bulacan.


Ito'y ayon sa Republic Act No. 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 na naglalayong makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating Senior Citizens para sa kanilang pang araw-araw na gastusin at pangangailangang medikal.


5 views0 comments

コメント


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page