top of page
bg tab.png

Mga Plano para sa Programa, Proyekto at Aktibidades, Pinag-usapan sa Isinagawang Pulong


Sa isinagawang Department Heads Meeting sa tanggapan ng Punong Bayan, aktibong ipinasa at binahagi ang mga bagong update at plano para sa mga Programa, Proyekto at Aktibidades (PPA) ng ating bayan sa darating na taon, 2024. Nagbahagi ng kanilang mga pananaw at ideya ang mga opisyal na dumalo, kabilang ang ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan na si Arvin L. Agustin at Municipal Administrator Noel C. Alquino, kasama ang iba pang mga lider ng mga tanggapan.


Sa pagtitipon na ito, nagsilbing tulay ang masusing pag-uusap at pagtutulungan upang mapatibay ang koordinasyon sa pagitan ng mga sektor ng pamahalaan. Isang mahalagang hakbang ito patungo sa mas maunlad at makatarungan kinabukasan ng ating bayan. Sa pagkakaisa ng mga opisyal at lider ng bayan, tayo ay magtatagumpay sa pagharap sa mga hamon at pagpapabuti ng serbisyong pampubliko.

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Комментарии


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page