Mga Negosyong Sakop ng CCTV Ordinance sa Angat, Inatasang Mag-install ng CCTV Para sa Kaligtasan ng Publiko
- angat bulacan
- Oct 30
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 010-2023, ipinag-uutos na ang paglalagay ng Closed-Circuit Television (CCTV) systems sa piling mga business establishments sa loob ng nasasakupan ng bayan ng Angat.
Layunin ng ordinansa na palakasin ang seguridad ng komunidad, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, at makatulong sa pag-iwas at imbestigasyon ng krimen. Ang mga establisyimentong sakop ng batas ay inaatasang mag-install ng gumaganang CCTV system bilang bahagi ng kanilang operasyon.
Pinuri naman ng pamahalaang bayan ang mga negosyong agad tumugon at nakipag-cooperate sa pagpapatupad ng ordinansa. Anila, patunay ito ng kanilang pakikiisa sa adhikain ng ligtas at maayos na pamayanan para sa lahat.
Patuloy ang panawagan sa iba pang mga negosyo na sumunod sa ordinansa sa lalong madaling panahon upang matiyak ang kolektibong seguridad ng buong bayan.









Comments