top of page
bg tab.png

Mahigpit na Regulasyon sa Paputok, Inilatag ng BPLO

Mahigpit na ipinapaalala ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) - Angat ang mga regulasyon sa pagbebenta ng paputok ngayong pagdiriwang ng Bagong Taon. Ayon sa Executive Order No. 68 Series of 2025, tanging sa Celestial City, Brgy. San Roque lamang pinahihintulutan ang pagtitinda ng mga paputok sa loob ng itinakdang mga araw.


Mariing binigyang-diin ng BPLO na ang sinumang mahuhuling nagbebenta nang walang kaukulang Permit to Sell Firecrackers ay papatawan ng mabigat na parusa, kabilang ang multa at pagkumpiska ng mga paninda. Kasama rin sa ipinagbabawal ang pag-aalok o pagpo-post ng mga paputok sa social media platforms tulad ng Facebook, Messenger, at TikTok nang walang pahintulot mula sa tanggapan. Layunin ng hakbang na ito na matiyak ang kaligtasan ng publiko at ang pagsunod sa mga batas para sa isang mapayapang pagsalubong sa taong 2026.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page