top of page
bg tab.png

BPLO Angat, Inilunsad ang Business One-Stop-Shop (BOSS) 2026


Opisyal nang binuksan ng Lokal na Pamahalaan ng Angat, sa pamamagitan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO), ang Business One-Stop-Shop (BOSS) 2026 ngayong linggo. Layunin ng inisyatibong ito na gawing mas mabilis, episyente, at maginhawa ang proseso ng renewal ng Business at Mayor’s Permit para sa lahat ng mga negosyante sa bayan.


Magsisimula ang transaksyon mula Enero 5 hanggang Enero 20, 2026, na gaganapin sa 3rd Floor Conference Room, Annex Building, Old Municipal Hall. Sa pamamagitan ng BOSS, pagsasama-samahin sa iisang lugar ang lahat ng mga kailangang tanggapan upang hindi na mahirapan pa ang mga taxpayers sa paglalakad ng kanilang mga dokumento.


Nagpaalala ang BPLO sa lahat ng mga business owners na samantalahin ang itinakdang petsa upang maiwasan ang pagsisiksikan sa huling araw at ang kaukulang multa o penalty. Para sa mga karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa kanilang tanggapan o magpadala ng mensahe sa opisyal na Facebook Page ng BPLO Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page