top of page
bg tab.png

Mga Nakatatandang Kababaihan sa Angat, Magtatagisan sa Gandang Lola ng GulayAngat 2026

Oct 20
1 min read

Inihanda ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang pagtatanghal ng Gandang Lola ng GulayAngat 2026, na nakatakdang idaos ngayong Martes, Oktubre 20, 2026, sa New Municipal Grounds bilang bahagi ng pagpapatuloy ng mga aktibidad sa Angat Food Park 2026.


Magsasama-sama ang mga nakatatandang kababaihan mula sa iba't ibang barangay sa bayan upang ipamalas ang kanilang angking ganda, talento, at kumpiyansa sa entablado upang makamit ang prestihiyosong korona bilang kauna-unahang Gandang Lola ng GulayAngat 2026.


Ayon sa lokal na pamahalaan, ang patimpalak ay naglalayong magbigay ng pagkilala sa mahalagang papel ng mga lola sa pamilya at komunidad, habang nagpapatunay na ang kagandahan, talento, at tiwala sa sarili ay walang pinipiling edad. Naglalayon din itong maghatid ng natatanging pampamilyang libangan para sa mga Angatenyo at mga bisita sa Food Park.


Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang buong komunidad na dumalo at suportahan ang kani-kanilang mga kandidatang lola habang tumatangkilik sa masasarap na pagkain mula sa mga lokal na negosyante sa bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page